BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS �
Showing posts with label Kiss and tell. Show all posts
Showing posts with label Kiss and tell. Show all posts

Saturday, October 23, 2010

PALPAK na SELLER

Nakakainis un seller kasi bumili ako ng bra and panties sa kanya tapos malimali ng padala.
Eto pa sa maling addy nya pa naiaddres.
 Nxt time hindi na ako bibili sa kanya.

MAD


Pag dating sa trabaho i always hate mondays.
Tumagal ako ng 4 months sa work ko and kahit naman tumagal kami wala parin pinagbago ang manager namin ubod parin siya ng sama.
Bakit? dahil kahit kami ang gumagawa ng ibang trabaho na sana sa ibang tao hindi siya marunong magpasalamat.
Pinamumukha nya sa amin na agency lang talaga kami at mataas naman ang oras namin kesa sa kanila, wala nga kaming insurance na natatanggap at pwede nila kaming tanggalin sa trabaho everytime na mapagdisisyonan nila.
Unfair pero un ang rules gaijin kami and hindi kami marunong magbasa at di ganun kagaling ang nihonggo namin kaya agency lang ang pwede namin pasukan.

Kasalanan naman ng regular kung bakit naalis ang tao, dahil kung hindi nila sigawan mumurahin nila at hindi naman kasama sa sahod ang mangijime.
Minsan hindi ko maigilan ang sarili ko na sagutin sila.
Bakit ba marami pang trabaho na pwedeng mapasukan.
Kung iisipin lang namin ang sarili namin unang araw pa lang umalis na sana kami, May natitirang bait parin sa ibang tao ang nasa isip namin.
At ano pag inalisan namin sila sino ang matitira silang 4 na regular at ang mga baguhan siguro pano nila maipapasa ang order sa tamang oras ?! bawat tao mahalaga kaya sana maisip nila.
Ni magabsent nga pinuproblema namin kaya sa isang araw kalahating araw kami napasok para lang kinabukasan di naman sila mapagalitan ng techno.
tuwing sabado rin may pasok dahil un ung chance namin na makapag yukkuri sa monday.
Hay buhay japan pera nga naman ang nagpapatakbo sa buhay nila kahit pera dinidyos nila kaawa awa.
Di nila alam na pag namatay sila di naman nila masasama ang pera nila sa langit o saan pa man.

Wednesday, June 30, 2010

Hello from iphone

Yahoooooo nkkakapagblog na ako sa iPhone ko kaya pwede na akong magupdate everytime na gustuhin ko madalas kasi sa madaling raw Lang ako nakakatuwa open ng pc nakakalimutan ko kasi minsan ang iblog ko

Friday, June 11, 2010

3 VS ME....


Okay bago ako mag blog kakalmahin ko muna ang aking sarili at pagiisip.
Gusto ko lang maglabas ng inis galit sa madaling salita sama ng loob sa kanino?
 Syempre sa kapwa ko pilipino. 
 6 months na pala ako nagtrabaho sa pinasukan ko. 

Para sa akin matagal na rin yun at marami na rin naman akong alam na gawin trabaho.
 Nakakainis kasi may 3 pilipina sa akin ang halos araw-araw na lang nagpaparanig.
 Hindi sila makunteto sa nakikita nila gusto pa nilang magparinig.
 Nasa age of 30 pataas na sila at ako 22 na rin.
 Kung sa akin lang respeto na lang sa kanila na nakakatanda sa akin na hindi ko sila pansinin at walang sabihin sa mga parinig nila sa akin.

 Pano ba nagsimula ang away na ito okay try ko irecall ang lahat.
 Nagsimula ito sa pambabara nila sa kahit na anong sasabihin ko.
 Minsan din naman napapansin ko na ayaw ko na talaga sa ugali nila dahil masyado silang mapanlait ng tao at chismosa isa pa mga backfighter.

 So inumpisahan ko silang wag pansinin sa pamamagitan ng hindi ko sila babatiin sa umaaga at wala akong sasabihin sa kanila ni makipag usap.
 Sa akin lang wala ka talagang maririnig sa akin pati na tingin wala yun siguro ang kinaasar nila.
Pero para sa akin alam mo sa sarili mo kung ano yun nagawa mong kasalanan kung bakit kita nilalayuan.
  
 Hangang nagtagal na parinig sila jan dito ako naman sige dedmahin ko kayo.
 Pero may time rin na napapaisip ako ganun pala kapag wala kang lakas ng loob na sabihin sa kanila na ganto ang ugali niyo nakakairita kayo.
Npapaiyak na lang ako sa isang tabi dahil wala naman akong ginagawang makakasama sa kanila pero sila sige parin sa pag sasalita ng masama sa akin.

 Nagdesisyon na lang ako na umalis sa trabaho ko at magnahap ng iba kahit na ayaw ko na talagang umalis sa trabaho ko.

Kung yun ang ika tatahimik ng ibang tao at yun ang ika tatahimik ng isip ko then gogogo ako jan.
 Bye bye na lang sa mga chismosa at plastic na katulad nila.
 Wag niyo kalimutan KARMA lang ang katapat niyo at bahala na si god sa future niyo.

Wednesday, April 28, 2010

2010 GOLDEN WEEK


Yatta Golden week na at meanning walang pasok ng 1 week sa work.
Pero kahit na walang pasok nakalista na sa memo pad ko ang mga gagawin ko,
Like kaylangan ko maglinis ng bahay,maglaba,magtiklop ng damit,magayos ng cabinet isa pa maglinis ng kotse.

 Saya nga kasi pwede ako matulog ng hanggang 10 am pero marami naman naghihintay na kalat sa bahay.
 Bait kasi na mga taga kalat ko si yuina at si papa nakikisama sila (nakikisama sa pagkakalat).
 Anong balak namin?!
 Wala nagtanong si papa kung saan ko gusto magpunta?! sabi ko wala kasi marami akong gagawin sa bahay gusto niyo kayo ni yui maggala kayo para naman makalinis ako ng maayos at mabilis.

 Dati kami nila tita nagpupunta kami sa gifu ken at nagkacamp kami ng 2 days magrerelax at kakain ng bbq allday at sa tent kami natutulog.
Pero ngayon nakakatamd na kasi magbyahe at isa pa sobra ng magastos lalo na sa tall fee at gas.
 Rinig niyo magastos na ang nasa isip ko grabe ngayon ko lang yan narealise simula ng magwork ako.
  
 Pero nagbabalak naman ako magpahaircut at magpacolor ng hair this time color black na ulit pero in 2 or 3 weeks papahighlights naman ako hahahah.
 Nasanay na kasi ako na may kulay ang hair ko at saka nasa japan naman ako.
 

Saturday, April 24, 2010

BLACK to HIGHLIGHTS?!


Summer na at kaylangan na rin bagayan ang buhok.
Naisip ko lang na magpablack ng buhok then in a week mag pahighlights naman ako kulay ASH GRAY.
Lagi na lang kasi normal ang style ng hair ko kasi naman ang tambok ng chicks ko kaya hindi ko mabagayan.
  
Nagtry na rin ako magdiet at ngayon nakikisama na ang stomach ko na wag tanggapin ang sobrang pagkain busog na ako sa iilang subo lang i mean.
Which is nakakatuwa naman kasi si hubby nakikisabay rin sa pagdiet ko.
So ngayon summer sana mafeel ko ang pag payat ko at makasuot ng summer outfit.

I want to have a tattoo


I was 13 years old noon ng tanungin ako ng papa ko kung ano bang magandang design ang gusto ko para maitattoo niya sa braso niyo?!.
Name na lang ni mama!.
2 na yun tattoo ni papa  sa katawan at may name ko na rin.
At age of 17 nakarating ako sa japan naiisip ko ng magpatattoo
Gusto ko na parang ayaw ko rin.

Ngayon 22 na ako at may sarili ng kinikita pero ayaw naman ng hubby ko kasi hindi raw kami makakapag onsen halimbawang magpunta kami.
Majime kasi ang hubby ko kung bago sa pilipinas makaluma.
Gusto kong patattoo at palagay ng hikaw sa ilong.
Nakakainis sana pala dati pa ako nagpatattoo noon hindi ko a kilala si hubby para wala na syang magawa.
Ngayon ko naisip na hindi ko na maenjoy ang sarili kong kagustuhan dahil kaylangan ko ng humingi ng pahintulot niya.


Ganito sana yun ilalagay ko sa batok ko at pangalan sana ni yuina.
Sana lang matuloy kasi may deal kami ni hubby once na nagloko siya at nakagawa ng kasalanan na hindi ko ginusto at masakit magpapatattoo talaga ako.
Pero sana naman wag rin mangyari yun

Saturday, April 3, 2010

HAte U!!

Dont know bakit lahat ng tao ayaw sa akin.
First impression last yata talaga.
Pero bat naman sila ganyan di muna nila ako kilalanin bago sila magalit sa akin kahit wala naman akong nagagawang masama o ginagawang masama hindi naman yata fair na magalit sila at barahin nila ako kahit nakakatanda sila sa akin.

 Hate ko sila for being judge mental.
 Sorry pero marunong akong rumespeto sa kapwa ko.
 Kung problema niyo yan wala kong magagawa ituloy niyo lang.

Saturday, March 27, 2010

Hisashiburi da...


hi hello.
kala ko burado na ang blog ko.
tagal kasi hindi ko na maopen o dapat bang sabihin wala na kong time.
4 am na at hindi pa ako makatulog sunday na rin isang araw na naman at papasuk na naman ako sa work.
Bakit ba tamad ako mag trabaho?.
Okay sana pero lagi kong namimiss si yuina at si papa kapag nararamdaman kong pagod ako.
Iniisip ko na lang na o tinitignan ang mga pictures nila sa cellphone ko everythime na ma feel kong sad ako at pagod okay na ako naitatawid na rin ako sa kalungkutan.
 Isa pa medyo bumababa na rin naman ang order sa kaishiya kaya nagbabadya ng magtatanggal sila ng tao.
Eto pa pala naalala ko kaylangan ko ng magrenew ng passport at kaylangan ko na rin magextend ng visa ko.
Nagtry ako mag paalam sa lider ko pero sabi magyasumi daw ako sa saturday..
Dah!!!! wala kayang pasok ang embassy pag saturday.

Ah basta kung ayaw nila ako payagan bahala sila.
Everyday na nga akong nag overtime ng 3 hours tapos ayaw pa akong payagan mag absent ng isang araw lang.
mas importante sa akin ngayon yun papeles ko kesa sa trabaho ko kasi pag nawalan ako ng visa iiwanan ko ang family ko dito no way no!!..




Monday, February 22, 2010

Argue


May nagawa nanaman akong kasalan sa work.
Kasamahan ko sila sa work.
Bago ako pumasok last night kasi masama ang pakiramdam ko ang sakit ng leeg ko na parang lahat ng katawan ko at pag iisip naaapektuhan lol.
Pag pasok ko sa work dedma ko lahat ng tao na nag greet sa umaga.
Ayaw kong kumausap ng tao.

Moody kasi talaga ako pag may nararamdaman mairitahin sa lahat ng bagay.
Kasabay ko sila kumain pero hindi ako nakibo kaya nainis na rin sila sa akin.
After nun nagpunta ako sa car humiga ako kasi may 20 mins pa akong break.
kinabukasan nun time na yun nag sorry ako pero yun isa parang hindi niya tinanggap.

Kaya alis na lang ako.
Nagyaya yun kakaricho namin na magkakaraoke dahil sayonara party ng vietnamis.
Nun una ayaw ko sumama kaya umuwi ako ng maaga.
May tumawag sa akin yun isa ko pang kasamahan sa work punta nga daw ako sa karaoke.
After an hour tumawag rin sa akin yun nakatampuhan ko.

Kaya yun balik na ulit sa dati sana?!!!.....

May sakit ako!! KATAM.


Nagyasumi ako ngayon kasi yun totoo hindi ako nakatulog maghapon alas 7 na ako ng umaga nakatulog.
Sinabi ko na lang walang magaalaga sa anak ko kaya pinayagan ako magyasumi.
Buti na lang at dinalaw kami nila kuya at tita aya.
Naglinis ng bahay si kuya ang bait talaga ng kuya ko ( love u kuya hhehhe)
Buti pa kuya ko natulong sa paglinis sa bahay si ate ko dadagdag pa yun sa dumi kapag napunta sa bahay hehehe (peace ate).

LQ kami ni hubby halos araw araw yata LQ kami pagod siya sa work ako rin naman eh.
Basta magbabati rin kami niyan cguro after 1 year heheh di naman.

Saturday, January 30, 2010

Iichoukaze


Nagyasumi nanaman ako sa work ko kasi nagkasakit si yuina ng todong-todo.
Thursday night sabi ng kuya ko nahulog si yuina sa crib niya kasi hindi niya namalayan na nakakasampa na pala.
Tapos sa bahay naman nauntog si yuina sa salamin,kasi sumampa siya sa loob ng basket.
Hindi na talaga mapigilan ang pagiging malikot ng anak ko.

Kaya noon gabi mga 1 am sumuka siya.
Kala ko nasundot lang niya yun lalamunan niya kasi nag thumbsuck siya.
Pero 4 times siya sumuka at nahihirapan siya.
Natakot na ako kaya nagyasumi ako para dalhin siya sa doctor.
Ang akala namin ni hubby dahil sa nauntog siya kaya nagsuka.

Pero mali pala dahil pala nagka kaze nanaman siya.
Kakatapos lang niya sa influenza ngayon naman iichoukaze.
2 araw siyang suka ng suka lahat ng kainin niya o inumin niya sinusuka niya.
Sabi ni doc 2 to 3 days daw bago maging okay siya.
Bawal siyang pakainin iinum pwede pero may sukat at ang sukat ay ang takip ng petbottle ganun lang ka rami every 15 mins pa yun.

Kaya nakakaawa kasi gutom siya nanginginig ang katawan niya sa gutom.
buti naman ngayon 2 araw na niya may sakit nagtatae na siya okay na raw yun sabi ni doc kesa isinusuka niya.
Napunta na raw yun baikin sa tiyan niya.
Hindi na rin siya gaano hirap kasi hindi na siya sumusuka.
Tulong rin ng gamot niya.
Nakakakain na rin at bumalik na sa kalusugan si yuina.


Sunday, January 24, 2010

Happy birthday to me!

Kakatapos lang ng birthday ko, kamusta naman?
Lumabas kaming 3 kasi may pictorial si yuina sa alice studio.
First time niya magpapa picture kaya yun ipang hahanda ko binigay ko na lang para sa pictorial niya.
Mahal rin kasi umabot ng 3 lapad.
Pero sulit kasi hindi bara bara yun damit at buhok niya.

After sa studio umuwi na kami sa bahay.
Nagutom si hubby kaya bumili siya ng bentou sa katabing hotto moto.
Isa lang ang binili niya kasi hindi siya nagdala ng wallet pero katabing bahay lang namin yun ah!.
Nakitikim ako kasi masarap.
At ang sabi niya kulang pa daw sa kaniya yun! ( ang damot naman tikim lang naman)..

Biniru ko siya ( birthday ko naman ngayon papa akin na lang yun last bite)..
Aba nagalit ng napaka babaw na dahilan.
Sa sobrang inis yun natirang pagkain itinapon sa plastic pero malinis naman yun plastic.
Kaya lang medyo nasaktan ako kasi pagkain parin yun bat kaylangan itapon kung ayaw kainin.
Kung ano -ano na ang sinabi niya nagalit at biglang pumasok sa kwarto.

Naluluha ako na naiinis kasi hindi man lang siya nagpakumbaba walang piniling araw.
Kinain ko na lang yun tinapon niyang pagkain kasi sayang talaga.
Iniyakan ko yun pagkain ang weird noh!?...
Hanggang ngayon nasa room siya never siyang nagtanong kung saan kami matutulog ni yuina.
Kaya dito kami sa malamig na sala at siya sa malambot na kama.
Nakatulog na rin ng hindi nakokonsensiya.

Hapon talaga hindi marunong magpakumbaba.
Walang pinipiling tao at araw.
Medyo nasaktan ako sa ginawa niya.
Pero mas okay na rin to.
Atleast walang sigawan.

Tuesday, January 5, 2010

Back to work


Bukas pasukan na naman ulit.
Kaylangan nanaman gumising ng maaga para mag prepare ng baon at breakfast.
Akala ko gaya ng dati pag shougatsu lalabas kami 3 o kaya mag totomaru sa hotel para magonsen.
Hindi pala! mas feel ko kasing matulog at magpahinga sa bahay.
Medyo nagkaroon kami ng away ni hubby kasi trip niyang lumabas at mamasyal sa nagoya pero tumnggi ako.

Talaga naman tinatamad na ako kasi ako rin ang magmamaneho.
Isa pa sobrang lamig hindi ko gusto maggala pag malamig at lalo na may bata pang kasama.
Kaya eto namalengke na lang para bukas,kasi magsisimula na rin kasi akong mag overtime ng 4 na oras araw-araw.
Hay sana lang wag akong magkasakit para hindi sagabal sa trabaho.

Sunday, January 3, 2010

2nd Time Around

Maikling blog post lang naman to.
Kahapon 4th death anniv ng father in-law ko.
Kaya nagpunta kami sa Otera para magdasal.
Bago pa lang kami umalis nagtanong na ako kung pupunta ba si MIL o hindi?!
Sabi niya baka hindi?!.

Ayan na around 2 ng hapon papasok na kami sa otera tingin agad si hubby kung nandun ang nanay niya.
Pero wala pa kaya okay lang nagpark na kami.
Bumaba na kami ng car kasi kala nga namin nakapunta na ng 10 ng umaga ang nanay niya.
Pero mga ilang segundo dumating si MIL.
Nakatalikod ako kaya hindi niya ako nakita si hubby lang.
Sabi ni hubby sumakay na daw ako sa kotse dahil ihahatid niya kami sa kahma home center.

Ibig sabihin non hindi na lang ako sasama sa pagdadasal.
2 kami ni yuina bumaba kami sa home center.
Tinitigan ko ang MIL ko kasi ramdam ko na gusto ko siyang makilala kahit na ayaw niya sa akin.
Kita kong okay siya at ang ganda ng suot niya mukhang mayaman talaga.
Kamukhang kamukha niya si hubby.
3 years last na nakita ko siya.
Wala akong takot o kaba naramdaman.
siguro talagang sabik ako na makilala niya si yuina.
Sana someday maging okay na rin sila ng hubby ko at matanggap na niya si yuina.

Saturday, January 2, 2010

Xmass Shopping





Habang naghihintay kami sa pinabalot naming regalo nag picturan muna kami.
Minsan lang kasi kami magsama at makasama ng ate lian niya.
Si ate lian nga pala ang bunso ng ate ko at pinsan ni yuina ang ate niya.
Lagi ko sinusundo sa bahay nila si lian kasi favorite siya ni yuina.
Minsan lang kasi may kalaro si yuina kapag yasumi nila sa gakkou.

Hinihiram ko si lian kapag friday o wala silang pupuntahan.
Swerte ako kasi may ate si yuina.
Minsan inaalagaan niya si yuina kahit na minsan rin naiinis na siya kasi malikot si yui.

Ang bulilit kong maid



Habang nagvavacum ako nakita ko na kinuha ni yuina ang pamunas sa alikabok.
Kala ko nga isusubo niya pero tignan niyo sa picture aba nagpupunas ng alikabok sa tv lol!
Ang talino na ng anak ko,lahat ng ginagawa ko nagagaya na niya.
Sana nga hanggang sa paglaki niya matutulungan niya akong maglinis.

Isa lang naman ang ayaw niyang hawakan pag naglilinis ako yun vacum yun kasi takot siya sa tunog.
Yun nga lang kahit cute siya minsan nakakainis dahil istorbo mas lalo pang nagulo hehehehe.


Home Sweet Home



Masaya ang naging New year namin sa bahay ng tita ko.
Dun kasi kami nag count down.
Kung dati pumupunta kami sa gifu bago mag new year tapos tumitigil kami sa malaking bahay para dun kaming lahat makapag pahinga pag katapos ng suki.
Kaya lang 2 taon na rin kami hindi nagpunta kasi maraming problemang nangyari.

Enjoy kami kasi para rin nagpunta kami ng gifu kahit na 10 mins away lang ang layo ng bahay ni tita sa bahay naming lahat.
Sariling bahay kasi nila at napaka laki pa nagkasya kaming lahat.
Kahit mag-ingay okay rin.
Pero sa sobrang lamig hindi ako makatiis syempre namimiss ko rin ang bahay namin.
Nagagawa ko kasi ang gusto ko sa bahay.

Isang gabi lang kami kinabukasan ng gabi rin umuwi na kami.
Buti na lang at bago kami umalis sa bahay nun time na yun nilinis ko muna ang bahay.
Matatabunan na kasi ng kalat ang bahay dahil sa sobrang busy ko sa work at gala.
Plan ko nga sana ngayon yasumi ko matutulog ako buong magdamag pero hindi pala nangyari.

Yan nga pala yun picture namin sa bahay nila tita countdown ng 2010 yan.

HAPPY NEW YEAR WELCOME 2010!


Hello 2010 ano kaya ang year na to para sa amin?!
Sana merry ang christmas niyo at happy ang new year niyo.

Monday, December 28, 2009

MERRY XMASS EVERYBODY

Alam ko late na para sa xmass.
Pero buti na yun bumati kesa sa kalimutan diba?!
Malungkot nga ang xmass namin magpamilya kasi ako may work pa non 27 lang ang last day namin sa work.
Si papa rin sa 29 pa ang yasumi niya.
Nagluto na lang ako ng spaghetti kasi maaga naman ako nakauwi.

Pero syempre iba parin kung sama-sama kaming  icecelebrate ang xmass.
Unang xmass namin na hiwalay kami.
Basta ang mahalaga nagmamahalan kami,yun naman ang meaning ng xmass.
Sana masaya ang xmass niyo.