Okay bago ako mag blog kakalmahin ko muna ang aking sarili at pagiisip.
Gusto ko lang maglabas ng inis galit sa madaling salita sama ng loob sa kanino?
Syempre sa kapwa ko pilipino.
6 months na pala ako nagtrabaho sa pinasukan ko.
Para sa akin matagal na rin yun at marami na rin naman akong alam na gawin trabaho.
Nakakainis kasi may 3 pilipina sa akin ang halos araw-araw na lang nagpaparanig.
Hindi sila makunteto sa nakikita nila gusto pa nilang magparinig.
Nasa age of 30 pataas na sila at ako 22 na rin.
Kung sa akin lang respeto na lang sa kanila na nakakatanda sa akin na hindi ko sila pansinin at walang sabihin sa mga parinig nila sa akin.
Pano ba nagsimula ang away na ito okay try ko irecall ang lahat.
Nagsimula ito sa pambabara nila sa kahit na anong sasabihin ko.
Minsan din naman napapansin ko na ayaw ko na talaga sa ugali nila dahil masyado silang mapanlait ng tao at chismosa isa pa mga backfighter.
So inumpisahan ko silang wag pansinin sa pamamagitan ng hindi ko sila babatiin sa umaaga at wala akong sasabihin sa kanila ni makipag usap.
Sa akin lang wala ka talagang maririnig sa akin pati na tingin wala yun siguro ang kinaasar nila.
Pero para sa akin alam mo sa sarili mo kung ano yun nagawa mong kasalanan kung bakit kita nilalayuan.
Hangang nagtagal na parinig sila jan dito ako naman sige dedmahin ko kayo.
Pero may time rin na napapaisip ako ganun pala kapag wala kang lakas ng loob na sabihin sa kanila na ganto ang ugali niyo nakakairita kayo.
Npapaiyak na lang ako sa isang tabi dahil wala naman akong ginagawang makakasama sa kanila pero sila sige parin sa pag sasalita ng masama sa akin.
Nagdesisyon na lang ako na umalis sa trabaho ko at magnahap ng iba kahit na ayaw ko na talagang umalis sa trabaho ko.
Kung yun ang ika tatahimik ng ibang tao at yun ang ika tatahimik ng isip ko then gogogo ako jan.
Bye bye na lang sa mga chismosa at plastic na katulad nila.
Wag niyo kalimutan KARMA lang ang katapat niyo at bahala na si god sa future niyo.
0 comments:
Post a Comment