Nagyasumi nanaman ako sa work ko kasi nagkasakit si yuina ng todong-todo.
Thursday night sabi ng kuya ko nahulog si yuina sa crib niya kasi hindi niya namalayan na nakakasampa na pala.
Tapos sa bahay naman nauntog si yuina sa salamin,kasi sumampa siya sa loob ng basket.
Hindi na talaga mapigilan ang pagiging malikot ng anak ko.
Kaya noon gabi mga 1 am sumuka siya.
Kala ko nasundot lang niya yun lalamunan niya kasi nag thumbsuck siya.
Pero 4 times siya sumuka at nahihirapan siya.
Natakot na ako kaya nagyasumi ako para dalhin siya sa doctor.
Ang akala namin ni hubby dahil sa nauntog siya kaya nagsuka.
Pero mali pala dahil pala nagka kaze nanaman siya.
Kakatapos lang niya sa influenza ngayon naman iichoukaze.
2 araw siyang suka ng suka lahat ng kainin niya o inumin niya sinusuka niya.
Sabi ni doc 2 to 3 days daw bago maging okay siya.
Bawal siyang pakainin iinum pwede pero may sukat at ang sukat ay ang takip ng petbottle ganun lang ka rami every 15 mins pa yun.
Kaya nakakaawa kasi gutom siya nanginginig ang katawan niya sa gutom.
buti naman ngayon 2 araw na niya may sakit nagtatae na siya okay na raw yun sabi ni doc kesa isinusuka niya.
Napunta na raw yun baikin sa tiyan niya.
Hindi na rin siya gaano hirap kasi hindi na siya sumusuka.
Tulong rin ng gamot niya.
Nakakakain na rin at bumalik na sa kalusugan si yuina.
0 comments:
Post a Comment