Saturday, January 30, 2010
Iichoukaze
Nagyasumi nanaman ako sa work ko kasi nagkasakit si yuina ng todong-todo.
Thursday night sabi ng kuya ko nahulog si yuina sa crib niya kasi hindi niya namalayan na nakakasampa na pala.
Tapos sa bahay naman nauntog si yuina sa salamin,kasi sumampa siya sa loob ng basket.
Hindi na talaga mapigilan ang pagiging malikot ng anak ko.
Kaya noon gabi mga 1 am sumuka siya.
Kala ko nasundot lang niya yun lalamunan niya kasi nag thumbsuck siya.
Pero 4 times siya sumuka at nahihirapan siya.
Natakot na ako kaya nagyasumi ako para dalhin siya sa doctor.
Ang akala namin ni hubby dahil sa nauntog siya kaya nagsuka.
Pero mali pala dahil pala nagka kaze nanaman siya.
Kakatapos lang niya sa influenza ngayon naman iichoukaze.
2 araw siyang suka ng suka lahat ng kainin niya o inumin niya sinusuka niya.
Sabi ni doc 2 to 3 days daw bago maging okay siya.
Bawal siyang pakainin iinum pwede pero may sukat at ang sukat ay ang takip ng petbottle ganun lang ka rami every 15 mins pa yun.
Kaya nakakaawa kasi gutom siya nanginginig ang katawan niya sa gutom.
buti naman ngayon 2 araw na niya may sakit nagtatae na siya okay na raw yun sabi ni doc kesa isinusuka niya.
Napunta na raw yun baikin sa tiyan niya.
Hindi na rin siya gaano hirap kasi hindi na siya sumusuka.
Tulong rin ng gamot niya.
Nakakakain na rin at bumalik na sa kalusugan si yuina.
Posted by KeiAnN at 7:05 AM 0 comments
Labels: Kiss and tell, Yuina
Sunday, January 24, 2010
Happy birthday to me!
Kakatapos lang ng birthday ko, kamusta naman?
Lumabas kaming 3 kasi may pictorial si yuina sa alice studio.
First time niya magpapa picture kaya yun ipang hahanda ko binigay ko na lang para sa pictorial niya.
Mahal rin kasi umabot ng 3 lapad.
Pero sulit kasi hindi bara bara yun damit at buhok niya.
After sa studio umuwi na kami sa bahay.
Nagutom si hubby kaya bumili siya ng bentou sa katabing hotto moto.
Isa lang ang binili niya kasi hindi siya nagdala ng wallet pero katabing bahay lang namin yun ah!.
Nakitikim ako kasi masarap.
At ang sabi niya kulang pa daw sa kaniya yun! ( ang damot naman tikim lang naman)..
Biniru ko siya ( birthday ko naman ngayon papa akin na lang yun last bite)..
Aba nagalit ng napaka babaw na dahilan.
Sa sobrang inis yun natirang pagkain itinapon sa plastic pero malinis naman yun plastic.
Kaya lang medyo nasaktan ako kasi pagkain parin yun bat kaylangan itapon kung ayaw kainin.
Kung ano -ano na ang sinabi niya nagalit at biglang pumasok sa kwarto.
Naluluha ako na naiinis kasi hindi man lang siya nagpakumbaba walang piniling araw.
Kinain ko na lang yun tinapon niyang pagkain kasi sayang talaga.
Iniyakan ko yun pagkain ang weird noh!?...
Hanggang ngayon nasa room siya never siyang nagtanong kung saan kami matutulog ni yuina.
Kaya dito kami sa malamig na sala at siya sa malambot na kama.
Nakatulog na rin ng hindi nakokonsensiya.
Hapon talaga hindi marunong magpakumbaba.
Walang pinipiling tao at araw.
Medyo nasaktan ako sa ginawa niya.
Pero mas okay na rin to.
Atleast walang sigawan.
Posted by KeiAnN at 7:59 AM 0 comments
Labels: Kiss and tell
Tuesday, January 5, 2010
Back to work
Bukas pasukan na naman ulit.
Kaylangan nanaman gumising ng maaga para mag prepare ng baon at breakfast.
Akala ko gaya ng dati pag shougatsu lalabas kami 3 o kaya mag totomaru sa hotel para magonsen.
Hindi pala! mas feel ko kasing matulog at magpahinga sa bahay.
Medyo nagkaroon kami ng away ni hubby kasi trip niyang lumabas at mamasyal sa nagoya pero tumnggi ako.
Talaga naman tinatamad na ako kasi ako rin ang magmamaneho.
Isa pa sobrang lamig hindi ko gusto maggala pag malamig at lalo na may bata pang kasama.
Kaya eto namalengke na lang para bukas,kasi magsisimula na rin kasi akong mag overtime ng 4 na oras araw-araw.
Hay sana lang wag akong magkasakit para hindi sagabal sa trabaho.
Posted by KeiAnN at 3:47 AM 0 comments
Labels: Kiss and tell
Sunday, January 3, 2010
2nd Time Around
Maikling blog post lang naman to.
Kahapon 4th death anniv ng father in-law ko.
Kaya nagpunta kami sa Otera para magdasal.
Bago pa lang kami umalis nagtanong na ako kung pupunta ba si MIL o hindi?!
Sabi niya baka hindi?!.
Ayan na around 2 ng hapon papasok na kami sa otera tingin agad si hubby kung nandun ang nanay niya.
Pero wala pa kaya okay lang nagpark na kami.
Bumaba na kami ng car kasi kala nga namin nakapunta na ng 10 ng umaga ang nanay niya.
Pero mga ilang segundo dumating si MIL.
Nakatalikod ako kaya hindi niya ako nakita si hubby lang.
Sabi ni hubby sumakay na daw ako sa kotse dahil ihahatid niya kami sa kahma home center.
Ibig sabihin non hindi na lang ako sasama sa pagdadasal.
2 kami ni yuina bumaba kami sa home center.
Tinitigan ko ang MIL ko kasi ramdam ko na gusto ko siyang makilala kahit na ayaw niya sa akin.
Kita kong okay siya at ang ganda ng suot niya mukhang mayaman talaga.
Kamukhang kamukha niya si hubby.
3 years last na nakita ko siya.
Wala akong takot o kaba naramdaman.
siguro talagang sabik ako na makilala niya si yuina.
Sana someday maging okay na rin sila ng hubby ko at matanggap na niya si yuina.
Posted by KeiAnN at 3:02 AM 0 comments
Labels: Kiss and tell
Saturday, January 2, 2010
Xmass Shopping
Habang naghihintay kami sa pinabalot naming regalo nag picturan muna kami.
Minsan lang kasi kami magsama at makasama ng ate lian niya.
Si ate lian nga pala ang bunso ng ate ko at pinsan ni yuina ang ate niya.
Lagi ko sinusundo sa bahay nila si lian kasi favorite siya ni yuina.
Minsan lang kasi may kalaro si yuina kapag yasumi nila sa gakkou.
Hinihiram ko si lian kapag friday o wala silang pupuntahan.
Swerte ako kasi may ate si yuina.
Minsan inaalagaan niya si yuina kahit na minsan rin naiinis na siya kasi malikot si yui.
Posted by KeiAnN at 10:08 AM 0 comments
Labels: Kiss and tell, Yuina
Ang bulilit kong maid
Habang nagvavacum ako nakita ko na kinuha ni yuina ang pamunas sa alikabok.
Kala ko nga isusubo niya pero tignan niyo sa picture aba nagpupunas ng alikabok sa tv lol!
Ang talino na ng anak ko,lahat ng ginagawa ko nagagaya na niya.
Sana nga hanggang sa paglaki niya matutulungan niya akong maglinis.
Isa lang naman ang ayaw niyang hawakan pag naglilinis ako yun vacum yun kasi takot siya sa tunog.
Yun nga lang kahit cute siya minsan nakakainis dahil istorbo mas lalo pang nagulo hehehehe.
Posted by KeiAnN at 10:02 AM 0 comments
Labels: Kiss and tell
Home Sweet Home
Masaya ang naging New year namin sa bahay ng tita ko.
Dun kasi kami nag count down.
Kung dati pumupunta kami sa gifu bago mag new year tapos tumitigil kami sa malaking bahay para dun kaming lahat makapag pahinga pag katapos ng suki.
Kaya lang 2 taon na rin kami hindi nagpunta kasi maraming problemang nangyari.
Enjoy kami kasi para rin nagpunta kami ng gifu kahit na 10 mins away lang ang layo ng bahay ni tita sa bahay naming lahat.
Sariling bahay kasi nila at napaka laki pa nagkasya kaming lahat.
Kahit mag-ingay okay rin.
Pero sa sobrang lamig hindi ako makatiis syempre namimiss ko rin ang bahay namin.
Nagagawa ko kasi ang gusto ko sa bahay.
Isang gabi lang kami kinabukasan ng gabi rin umuwi na kami.
Buti na lang at bago kami umalis sa bahay nun time na yun nilinis ko muna ang bahay.
Matatabunan na kasi ng kalat ang bahay dahil sa sobrang busy ko sa work at gala.
Plan ko nga sana ngayon yasumi ko matutulog ako buong magdamag pero hindi pala nangyari.
Yan nga pala yun picture namin sa bahay nila tita countdown ng 2010 yan.
Posted by KeiAnN at 9:58 AM 0 comments
Labels: Kiss and tell
HAPPY NEW YEAR WELCOME 2010!
Hello 2010 ano kaya ang year na to para sa amin?!
Sana merry ang christmas niyo at happy ang new year niyo.
Posted by KeiAnN at 2:41 AM 0 comments
Labels: Greetings, Kiss and tell
Subscribe to:
Posts (Atom)