BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Saturday, October 23, 2010

PALPAK na SELLER

Nakakainis un seller kasi bumili ako ng bra and panties sa kanya tapos malimali ng padala.
Eto pa sa maling addy nya pa naiaddres.
 Nxt time hindi na ako bibili sa kanya.

MAD


Pag dating sa trabaho i always hate mondays.
Tumagal ako ng 4 months sa work ko and kahit naman tumagal kami wala parin pinagbago ang manager namin ubod parin siya ng sama.
Bakit? dahil kahit kami ang gumagawa ng ibang trabaho na sana sa ibang tao hindi siya marunong magpasalamat.
Pinamumukha nya sa amin na agency lang talaga kami at mataas naman ang oras namin kesa sa kanila, wala nga kaming insurance na natatanggap at pwede nila kaming tanggalin sa trabaho everytime na mapagdisisyonan nila.
Unfair pero un ang rules gaijin kami and hindi kami marunong magbasa at di ganun kagaling ang nihonggo namin kaya agency lang ang pwede namin pasukan.

Kasalanan naman ng regular kung bakit naalis ang tao, dahil kung hindi nila sigawan mumurahin nila at hindi naman kasama sa sahod ang mangijime.
Minsan hindi ko maigilan ang sarili ko na sagutin sila.
Bakit ba marami pang trabaho na pwedeng mapasukan.
Kung iisipin lang namin ang sarili namin unang araw pa lang umalis na sana kami, May natitirang bait parin sa ibang tao ang nasa isip namin.
At ano pag inalisan namin sila sino ang matitira silang 4 na regular at ang mga baguhan siguro pano nila maipapasa ang order sa tamang oras ?! bawat tao mahalaga kaya sana maisip nila.
Ni magabsent nga pinuproblema namin kaya sa isang araw kalahating araw kami napasok para lang kinabukasan di naman sila mapagalitan ng techno.
tuwing sabado rin may pasok dahil un ung chance namin na makapag yukkuri sa monday.
Hay buhay japan pera nga naman ang nagpapatakbo sa buhay nila kahit pera dinidyos nila kaawa awa.
Di nila alam na pag namatay sila di naman nila masasama ang pera nila sa langit o saan pa man.

Wednesday, June 30, 2010

Hello from iphone

Yahoooooo nkkakapagblog na ako sa iPhone ko kaya pwede na akong magupdate everytime na gustuhin ko madalas kasi sa madaling raw Lang ako nakakatuwa open ng pc nakakalimutan ko kasi minsan ang iblog ko

Friday, June 11, 2010

3 VS ME....


Okay bago ako mag blog kakalmahin ko muna ang aking sarili at pagiisip.
Gusto ko lang maglabas ng inis galit sa madaling salita sama ng loob sa kanino?
 Syempre sa kapwa ko pilipino. 
 6 months na pala ako nagtrabaho sa pinasukan ko. 

Para sa akin matagal na rin yun at marami na rin naman akong alam na gawin trabaho.
 Nakakainis kasi may 3 pilipina sa akin ang halos araw-araw na lang nagpaparanig.
 Hindi sila makunteto sa nakikita nila gusto pa nilang magparinig.
 Nasa age of 30 pataas na sila at ako 22 na rin.
 Kung sa akin lang respeto na lang sa kanila na nakakatanda sa akin na hindi ko sila pansinin at walang sabihin sa mga parinig nila sa akin.

 Pano ba nagsimula ang away na ito okay try ko irecall ang lahat.
 Nagsimula ito sa pambabara nila sa kahit na anong sasabihin ko.
 Minsan din naman napapansin ko na ayaw ko na talaga sa ugali nila dahil masyado silang mapanlait ng tao at chismosa isa pa mga backfighter.

 So inumpisahan ko silang wag pansinin sa pamamagitan ng hindi ko sila babatiin sa umaaga at wala akong sasabihin sa kanila ni makipag usap.
 Sa akin lang wala ka talagang maririnig sa akin pati na tingin wala yun siguro ang kinaasar nila.
Pero para sa akin alam mo sa sarili mo kung ano yun nagawa mong kasalanan kung bakit kita nilalayuan.
  
 Hangang nagtagal na parinig sila jan dito ako naman sige dedmahin ko kayo.
 Pero may time rin na napapaisip ako ganun pala kapag wala kang lakas ng loob na sabihin sa kanila na ganto ang ugali niyo nakakairita kayo.
Npapaiyak na lang ako sa isang tabi dahil wala naman akong ginagawang makakasama sa kanila pero sila sige parin sa pag sasalita ng masama sa akin.

 Nagdesisyon na lang ako na umalis sa trabaho ko at magnahap ng iba kahit na ayaw ko na talagang umalis sa trabaho ko.

Kung yun ang ika tatahimik ng ibang tao at yun ang ika tatahimik ng isip ko then gogogo ako jan.
 Bye bye na lang sa mga chismosa at plastic na katulad nila.
 Wag niyo kalimutan KARMA lang ang katapat niyo at bahala na si god sa future niyo.

Saturday, May 8, 2010

HAPPY MOTHER`s DAY


Wednesday, April 28, 2010

Our New TANTO CUSTOM Crystal Black

Last week pa nasira yun car ni papa bigay lang sa kaniya ng friend niya.
 10 years na daw yun dapat sa akin yun kasi nalaman ng friend niya na kakukuha ko lang ng lisensiya.
 Pero natakot si hubby na baka biglang masira sa daan pag ako ang magdrive baka daw magpanic ako heheheh tama naman siya.
  
Siguro 4 months lang nagtagal yun Wagon R nasira last week kaya bumili na lang kami ng New car Dapat Suzuki Stingray pero nauwi sa TANTO CUSTOM LIMITED.
 
  

Exterior
Interior
 

2010 GOLDEN WEEK


Yatta Golden week na at meanning walang pasok ng 1 week sa work.
Pero kahit na walang pasok nakalista na sa memo pad ko ang mga gagawin ko,
Like kaylangan ko maglinis ng bahay,maglaba,magtiklop ng damit,magayos ng cabinet isa pa maglinis ng kotse.

 Saya nga kasi pwede ako matulog ng hanggang 10 am pero marami naman naghihintay na kalat sa bahay.
 Bait kasi na mga taga kalat ko si yuina at si papa nakikisama sila (nakikisama sa pagkakalat).
 Anong balak namin?!
 Wala nagtanong si papa kung saan ko gusto magpunta?! sabi ko wala kasi marami akong gagawin sa bahay gusto niyo kayo ni yui maggala kayo para naman makalinis ako ng maayos at mabilis.

 Dati kami nila tita nagpupunta kami sa gifu ken at nagkacamp kami ng 2 days magrerelax at kakain ng bbq allday at sa tent kami natutulog.
Pero ngayon nakakatamd na kasi magbyahe at isa pa sobra ng magastos lalo na sa tall fee at gas.
 Rinig niyo magastos na ang nasa isip ko grabe ngayon ko lang yan narealise simula ng magwork ako.
  
 Pero nagbabalak naman ako magpahaircut at magpacolor ng hair this time color black na ulit pero in 2 or 3 weeks papahighlights naman ako hahahah.
 Nasanay na kasi ako na may kulay ang hair ko at saka nasa japan naman ako.