BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, April 28, 2010

Our New TANTO CUSTOM Crystal Black

Last week pa nasira yun car ni papa bigay lang sa kaniya ng friend niya.
 10 years na daw yun dapat sa akin yun kasi nalaman ng friend niya na kakukuha ko lang ng lisensiya.
 Pero natakot si hubby na baka biglang masira sa daan pag ako ang magdrive baka daw magpanic ako heheheh tama naman siya.
  
Siguro 4 months lang nagtagal yun Wagon R nasira last week kaya bumili na lang kami ng New car Dapat Suzuki Stingray pero nauwi sa TANTO CUSTOM LIMITED.
 
  

Exterior
Interior
 

2010 GOLDEN WEEK


Yatta Golden week na at meanning walang pasok ng 1 week sa work.
Pero kahit na walang pasok nakalista na sa memo pad ko ang mga gagawin ko,
Like kaylangan ko maglinis ng bahay,maglaba,magtiklop ng damit,magayos ng cabinet isa pa maglinis ng kotse.

 Saya nga kasi pwede ako matulog ng hanggang 10 am pero marami naman naghihintay na kalat sa bahay.
 Bait kasi na mga taga kalat ko si yuina at si papa nakikisama sila (nakikisama sa pagkakalat).
 Anong balak namin?!
 Wala nagtanong si papa kung saan ko gusto magpunta?! sabi ko wala kasi marami akong gagawin sa bahay gusto niyo kayo ni yui maggala kayo para naman makalinis ako ng maayos at mabilis.

 Dati kami nila tita nagpupunta kami sa gifu ken at nagkacamp kami ng 2 days magrerelax at kakain ng bbq allday at sa tent kami natutulog.
Pero ngayon nakakatamd na kasi magbyahe at isa pa sobra ng magastos lalo na sa tall fee at gas.
 Rinig niyo magastos na ang nasa isip ko grabe ngayon ko lang yan narealise simula ng magwork ako.
  
 Pero nagbabalak naman ako magpahaircut at magpacolor ng hair this time color black na ulit pero in 2 or 3 weeks papahighlights naman ako hahahah.
 Nasanay na kasi ako na may kulay ang hair ko at saka nasa japan naman ako.
 

Saturday, April 24, 2010

BLACK to HIGHLIGHTS?!


Summer na at kaylangan na rin bagayan ang buhok.
Naisip ko lang na magpablack ng buhok then in a week mag pahighlights naman ako kulay ASH GRAY.
Lagi na lang kasi normal ang style ng hair ko kasi naman ang tambok ng chicks ko kaya hindi ko mabagayan.
  
Nagtry na rin ako magdiet at ngayon nakikisama na ang stomach ko na wag tanggapin ang sobrang pagkain busog na ako sa iilang subo lang i mean.
Which is nakakatuwa naman kasi si hubby nakikisabay rin sa pagdiet ko.
So ngayon summer sana mafeel ko ang pag payat ko at makasuot ng summer outfit.

I want to have a tattoo


I was 13 years old noon ng tanungin ako ng papa ko kung ano bang magandang design ang gusto ko para maitattoo niya sa braso niyo?!.
Name na lang ni mama!.
2 na yun tattoo ni papa  sa katawan at may name ko na rin.
At age of 17 nakarating ako sa japan naiisip ko ng magpatattoo
Gusto ko na parang ayaw ko rin.

Ngayon 22 na ako at may sarili ng kinikita pero ayaw naman ng hubby ko kasi hindi raw kami makakapag onsen halimbawang magpunta kami.
Majime kasi ang hubby ko kung bago sa pilipinas makaluma.
Gusto kong patattoo at palagay ng hikaw sa ilong.
Nakakainis sana pala dati pa ako nagpatattoo noon hindi ko a kilala si hubby para wala na syang magawa.
Ngayon ko naisip na hindi ko na maenjoy ang sarili kong kagustuhan dahil kaylangan ko ng humingi ng pahintulot niya.


Ganito sana yun ilalagay ko sa batok ko at pangalan sana ni yuina.
Sana lang matuloy kasi may deal kami ni hubby once na nagloko siya at nakagawa ng kasalanan na hindi ko ginusto at masakit magpapatattoo talaga ako.
Pero sana naman wag rin mangyari yun

Sunday, April 4, 2010

Song for by hy


AKai Ito


When she`s MAD by ne-yo


Saturday, April 3, 2010

HAte U!!

Dont know bakit lahat ng tao ayaw sa akin.
First impression last yata talaga.
Pero bat naman sila ganyan di muna nila ako kilalanin bago sila magalit sa akin kahit wala naman akong nagagawang masama o ginagawang masama hindi naman yata fair na magalit sila at barahin nila ako kahit nakakatanda sila sa akin.

 Hate ko sila for being judge mental.
 Sorry pero marunong akong rumespeto sa kapwa ko.
 Kung problema niyo yan wala kong magagawa ituloy niyo lang.