BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Monday, December 28, 2009

明日がくるなら



MERRY XMASS EVERYBODY

Alam ko late na para sa xmass.
Pero buti na yun bumati kesa sa kalimutan diba?!
Malungkot nga ang xmass namin magpamilya kasi ako may work pa non 27 lang ang last day namin sa work.
Si papa rin sa 29 pa ang yasumi niya.
Nagluto na lang ako ng spaghetti kasi maaga naman ako nakauwi.

Pero syempre iba parin kung sama-sama kaming  icecelebrate ang xmass.
Unang xmass namin na hiwalay kami.
Basta ang mahalaga nagmamahalan kami,yun naman ang meaning ng xmass.
Sana masaya ang xmass niyo.

2009 Bonenkai



First time kong umattend sa bonenkai.
Parang xmass party ng mga japanesse.
Masaya at kala ko borinh kasi baguhan pa lang ako pero iba pala.
May games din at sobrang daming pagkain.
Hindi na nga namin naubos kaya inuwi na lang sa bahay.

Lahat kami nakainom kaya medyo hindi lang pala medyo sobrang ingay at gulo.
Pero minsan lang naman sa taon ang mag bonding ang mga kaofficemate kaya nilobos na namin.
Yun naka black down jacket siya yun kakaricho namin sa grupo namin.
Mabait at pacute heheheh sabi nila cute daw.
Kasi nagpapacute.

Matapos ang bonenkai nagpunta kami sa karaoke kasama ulit yun mga leader ng grupo namin.
Wala talaga sa plan ko na magpunta kaya lang sabi sakin kahit magpakita man lang ako okay na daw.
Pero naging driver nila ako kaya naiinis ako.
May lakad sana ako bibili sana ako ng gift sa mga inaanak ko kaya lang ang traffic kaya ginabi na ako,medyo nalasing pa ako kaya nakakatakot.

Pag kababako sa kanila sa karaokehan umuwi na lang ako dinahilan ko na lang ang anak ko na miss ko naman talaga.
Kaya iniwan ko sila bahala sila dun sama eh noh!!!

Saturday, December 19, 2009

Baby ang mommy



Hello ang haba ng panahon sa work kaya hindi ako makaupo sa harap ng computer.
Kung hindi 3 hours ang overtime ko 4 hours naman minsan.
Yun totoo ayaw ko na sa work ko.
Kaylangan ko lang tiisin para sa future ng family ko.

Hindi ko na pahahabain ang drama.
Latest picture namin ni yuina yan.
Ang tagal ng panahon noon last na magpicture kaming magkasama.
Kung dati everyday akong kumukuha ngayon medyo nabawasan na.
Ayaw rin kasi ni yuina ng camera kakainis nga.

Kapag nafeel ko na napapagod na ako sa work iniisip ko si yuina.
Nakakawala ng pagod at kinakaya ko.
Kahit na ikasunog ng balat ko.
Tama nga ang matatanda kapag once na nagkaanak ka malilimutan mo na nag sarili mong kaligayahan at uunahin mo na ang anak mo kesa sa sarili mo.
Kung gaanon mahirap na masarap maging magulang.



Saturday, December 12, 2009

春夏秋冬


Everything


君の声


君に会いたくなるから


君が好き


Saturday, December 5, 2009

Qoutes

Kumain kaba ng asukal?
-ang tamis kc ng ngiti mo!
may lahi kabang keyboard?
-type kc kita!
papu2lis kita!
-ninakaw mo kc puso ko
Are you dictionary?
-cuz u add meaning to my life
i lost my number.
-can i have urs?
i forgot my name
-can i call u mine?
TAE kba?
-d kc kita matiis eh
Tapos nba exams nio?
-pra ako nman sagutin mo!
ikaw ba may ari ng crayola?
-ikaw kc ngbibigay ng kulay sa buhay ko!
Centrum kba?
-Kasi you make my life complete!
Sana "T" na lang ako...
-Para I'm always right next to "U"
ibibili kita ng salbabida...
-kasi malulunod ka sa pagmamakal ko
Ako na ang magbabayad ng tuition fee mo...
-Basta pag-aralan mo lang akong mahalin
Kung ako may business. Lahat ng tao, bebentahan ko ng mura...
Ikaw hindi...
Dahil sa iyo lang ako magmamahal
Akala ko umaga na...
-Lumiwanag kasi ang mundo ko pag naiisip kita...

Thursday, December 3, 2009

Work,work,work

First day ng work ko ngayon.
Nakakapagod nakakaexcite at nakakapaso.
Puros pilipina sa work ko kaya ang nagturo sa akin ng gagawin ko everyday ay pilipina, si may ate may ang tawag ko sa kaniya.

Una pa lang nabaitan na ako sa kaniya at pala kaibigan din kasi siya.
Hindi gaya ng ibang tao dun unang araw ko umagang umaga pa lang may nagpaparinig na sa loob ng service.
Pero okay lang sa akin yun as long as wala silang binabanggit na pangalan ko wala na lang akong narinig para tumagal ako sa trabaho ko.

Ang trabaho ko 2 machine ang kaylangan kong hawakan.
Lahat ng machine dun puros apoy ang nalabas.
Parang welding, tubo ng aircon at kaylangan ipagconnect at wala dapat butas o sobrang sunog.

Nakakapaso talaga buti nga ngayon malamig hindi ramdam yun init pero kapag summer na tagaktakan daw ang pawis.
Sana makatagal ako,ang taas din kasi ng sahod at 3-4 na oras ang evertime.
Nawiwili na rin ako magwork kasi may inspirasyon ako si yuina at si hubby.

Bukas may work ulit ako at gagambatte na ako.
gudnight.

Wednesday, December 2, 2009

May trabaho na ako



Tapos na ang interview ko kaninang umaga.
2 kaming pilipina pero ako lang ang pinapasok.
Medyo malungkot kasi kung pwede nga lang 2 na lang sana kami.
Pero salamat na rin at nagkaroon na ako ng work sa 1 buwan kong paghahanap.

Buti at mataas ang sahod yun nga lang kaylangan pagbutihan at tiisin kasi 3 oras ang overtime.
Una hindi ako pumayag sa broker ko kasi alam ko mahihirapan ako.
Napagisip ko na kaylangan ko pala talaga.
Mabait naman ang mga tao at puros lahat pilipina sana walang maging gulo.

Basta ako magtatrabaho na lang ako para sa family ko hindi na ako sasali sa gulo lol!.
Bukas na yun start ng work ko at excited na ako.
Madali lang naman ang work magaan dahil nakapag work nanaman ako sa kaparehas na factory.
Dito nga lang sa bago kong trabaho apoy at pwede akong mapaso kapag nagkamali ako kung sa dati kong work pwede naman maputol ang kamay ko kapag maipit.

Wish me luck nalang sana magtagal ako gusto ko na kasing enjoyin ang trabaho ko para hindi ako malungkot habang wala si yuina sa tabi ko.
Miss you anak para sayo at kay papa ang lahat ng to.

Tuesday, December 1, 2009

Friendship


Namimiss ko na mga kaibigan ko sa pinas.
Kahit na lagi kaming online sa net iba parin yun nakakusap ko sila sa harap at nayayakap.
Iba kasi ang pagkakaibigan namin dati.
Kung hindi ako nagkakamali almost 5 years na simula ng hindi kami nagkita.
Grabe kahit na malayo kami sa isat-isa at kahit na may tampuhan minsan hindi ko kayang patagalin ang sama ng loob ko sa kanila na wala naman talaga.


Jamie grabe kasama ko to lagi sa kalokohan.
Nope siya lang pala lol joke lang.
Napaka sira ulo nito pero sobrang sweet at sobra magmahal ng kaibigan.
Magaling din mag keep ng secrets.

Dati payat to ngayon like me lumba lumba narin siya.
Nasa states na kasi siya.
Dun siya pinanganak at lumaki siya sa pilipinas.
Kakamiss kasi siya yun lagi kong kasama kapag pupunta kami sa baclaran.

Parehas kaming mahilig sa puto bungbong.
Jamie miss you so much.
Sana magkita na ulit tayo buo na tayong lahat.



Yeah ito naman si jessa.
Mahilig sa boyz joke lang.
Lagi palang busted lol joke lang.
ewan ko ba dito bat hanggang ngayon wala parin bf.

Mabait naman pero lagi nalang sawi pag dating sa pagibig.
Minsan lang kami magsama nito kasi lagi niyang kasama si p???.
Pero okay lang kasi love ko parin siya kahit minsan dedma kami sa kaniya.

Nakakamiss kasi yun dating kami.
miss you bhe .
iloveu so much.


Mc Do for Breakfast



Dinala ko kasi si yuina sa clinic kasi check-up niya.
Pagkatapos nagutom ako.
Kaya nag drivethru na lang kami sa mcdo.
3oo¥ lang naman.
Favorite ko ang mcdo kapag morning.




Sadano Baby

Ang CUTE ng mga babies lalo na kapag naglalambing.
Kapapanganak lang ng friend ko si NICOLE.
2nd baby niya ay GIRL,yun 1st niya BOY.
Diba kakainggit kasi may boy at girl na sila.

Naikwento niya sa akin na kapag magkakababy sila gusto ng byenan niya na magkaroon ng apong babae,kasi puros lalake daw ang apo nila.
Kaya noon nalaman niya na preggy siya sinabi niya sa akin at kung ano bang mga signs kapag babae ang anak.

Hindi ko sure kung totoo pero ako mahilig ako noon sa isda lalo na yun HOTATE, puros SUSHI ang kinakain ko.
Isa pa pabilog ang hugis ng tiyan ko noon.
Kaya noon sinabi ni nicole sa akin na mahilig nga daw siya sa isda at sushi, nag agree ako na babae na nga ang next baby niya which is tama naman ang hinala ko.

Eto yun pic nilang magkapatid.





Ang cute diba?!.
Parang gusto ko na rin ng baby boy.
Parang lang ha pero wag muna ngayon.

Sushi Lobster

Simula ng magkalisensiya ako.
Hindi na kaming 3 gaanong nakakapasyal.
Kung dati every saturday o sunday lagi kaming nasa malls o di kaya nakain sa labas.
Kanina kumain kami sa SUSHIHAN.
Inorder ko LOBSTER medyo mahal pero okay lang daw sabi ni hubby minsan lang naman.



At ang lasa syempre masarap.
Namiss ko tuloy kumain sa KORA at RED LOBSTER.
Dati once a month nagpupunta kami SUMMER man o WINTER.
Ngayon hindi kasi tipid tipid na muna.
Okay na rin sa akin to masarap naman.

Blog Template


Ayan mas okay na sa akin ang 2nd blog account ko.
Simple at malinis di tulad ng una kong blog hindi ko kayang kalikutin.
Nangangapa pa kasi ako sa blog ngayon taon lang naman ako gumawa ng blog firsttimer ba kung baga!.


Inayos ko na kasi ayaw ko ng baka mabura na naman tapos tamarin na akong ayusin maiwan na naman magulo.
Wala na naman nagbabasa ng blog ko kundi mga family ko at frens sa pinas.
Kuripot kasi ako imbes na ibili ko ng load pantawag sa pinas dinadaan ko na lang sa blog.


Sa template ang topic napunta sa card, anong koneksyon nun lol!.
Sa pyzam na lang ako kumuha ng template kasi alam kong mas madali kong maayos.
Cute naman db?! sobrang simple nga lang talaga.
Pero hindi na siya masakit sa mata gaya ng dat kong template ang tapang ng kulay.


Buti pa yun ibang bloggers ang gaganda ng blog nila.
Pag nagka time ako pagaaralan ko kung pano magdagdag ng gudgets.
Ngayon enjoy ko muna ang mag chika.